My First Official Blog… Ever.

Hi. Ako si Raymond, panganay ako at lumaki kasama ng aking pamilya. Tatlo kaming magkakapatid, limang taon ang pagitan namin kaya mejo kanya kanya ang trip namin sa buhay. Si Papa, lagi tutok sa amin yan, kada minuto ng buhay ko ay detalyado pag kasama siya. Tagaluto, laba, at areglo ng mga bagay bagay. Spoiled nga kami somehow kasi ultimo ulam ay hinahatid niya sa kwarto namin. Sweet si erpat, makulit, pero hindi ko ipagpapalit. Si Mama naman ay medyo kabaliktaran ni Papa, kung si Papa ay ubod ng hilig magsalita at makipagdiskusyunan, si ermat naman ay tahimik lang. Hindi yan sumasabay. Steady lang ba. Nagluluto si Mama pero ayaw ng pagluluto sa kanya. Hehe. Naalala ko nuon talagang todo effort si Mama sa pag gawa na aming almusal, baon sa skwela, at kakainin namin pag uwi. Wala kasi sila madalas nuong mga panahon ng 90’s lagi sila nasa opisina. Sa may Fort Area – sila nagkakilala. Kwento pa nga ni erpat nuon nung masilayan niya si ermat ay di niya na ito pinalampas. Si ermat naman bilang wala masyadong chika ay naiuwi at napikot tuloy sa San Pedro. Ang bilis daw ng pangyayari. Kasal na sila agad. Ang saya. Ariya na si Bundong.

Ngayon ko na recall mga ginagawa namin nuon. Napaka gaang lang ng mga bagay. Pumasok sa skwela, sumunod sa mga utos, bumili sa tindahan, magwalis ng bakuran, matulog sa hapon kung hindi lalagyan ng vicks ang mga mata mo, manuod ng cedie, agila, mara clara. Maglaru ng barilan gamit ang bayabas as Granada. Mamato ng bubong ng kapitbahay. Mangupit ng barya sa kotse para may pang token sa mga arcade games ni Mang Larry sa Adelina One. Bumili ng tinapay sa bakery na limang kilometro ang layo, ubos na ang mga monay pag uwi. At kung ano ano pa.

Bilang panganay, salo ko lahat ng mga ganap sa amin. Mataas ang expectations nila masyado. Tutok ba sayo. Lahat ng errands sa akin din. Lalo nang matuto ako magmaneho. Wala na atang humpay ang utos kaliwa’t kanan bangko, hatid sa Makati, sundo dito, bili diyan. Ok din ksi natuto ako makihalubilo at dumiskarte ng mga bagay bagay. Sarap kaya saan ka makakita hinatid mo lang tita mo libre ka na nang chibog bibigyan ka pa ng limang daan. May pang date kna sa syota mong kakikilala mo pa lang. Magkano ang sine nuon sa SouthMall, parang otsenta ata naabutan ko pa yun. Saan ka naman, naka Mazda Astina ang lolo mo. Naka gel pa ang buhok. Malay ba nilang tita ko ang nag pa gas nuon. Eh araw araw ko dala yung sasakyan. Hehe. Feeling ko lang, kaya parang ang hirap nung matuto akong hindi umuwi sa bahay namin. Para silang napilayan ng dalawang braso. Kasi kahit papaano alam ko malaki naitutulong ko sa amin.

Bilang panganay, kahit papaano alam ko hindi ko naman sila pinabayaan. Kahit papaano nairaos ko si utol sa kurso niya. Kahit may trabaho na nagagawan ko pa rin naman ng paraan yung mga license exams niya. Pambihira naman kasi, may trabaho na nga, pero malayo naman sa kurso niya. Graduate ng nursing eh sa Cebu pacific pumasok, Nahoholdap pa sa Greenview hehehe. Nagtatampo tuloy ang bunso namin, kasi minsan minsanan ko lang maabutan. Alam ko naman ang diskarte nyan, parang ako din nung college. Pag walang pera ay nagagawan ng paraan. Habang tumutumba ay nagpupumilit bumangon. Siya lang ang scholar ng San Beda Law sa aming tatlo. Susunod na talaga ata sa yapak ni Lolo.

Ano ba ito autobiography? Hehe. Ang sarap lang maalala ng mga bagay na pinagdaanan mo. Hindi naman masyadong big deal pero sa akin nalang yon. Marami din oportunidad na pinalampas pero sakto lang din. Lahat ng bagay ay may kalalagyan. Sa ngayon parang wala na akong kaibigan. Hindi ko alam kung bakit. Pero disconnected na ako sa lahat. Parang lahat sila malayo na sa akin. Si Amag, nasa Japan na. Ewan ko ba kung pano napadpad ang hinayupak sa bagay yun naman ang hileg namin dati, manuod ng hentai, mag laru ng tekken, at kumain ng wasabe. Partners in crime ko yan nung college. Kabilang kanto lang ang bahay kaya nung HS pagsundo sa akin ay camping na kami sa tapat ng bahay nila. Pagkatagal tagal lumabas. Pag busina ata ng service naming panay Andrew E ang tugtog eh saka palang siya gigising. Yan ang nagturo sa akin mag sintas ng necktie – nung ROTC days. Araw araw antayan nung college para tipid sa pamasahe. Partner sa thesis at kabulastugan. Nagkatampuhan pa nga dati dahil sa jowa. Hehe. Pagpapalit ba naman kita tol dahil lang sa isang babae eh ang dami naman nung panahon na yon. Sa lagi kami magkasama naalala ko siguro napapagkamalan kaming mag jowa. Si Boy T, nasa tarlac na, nagtatago ba? O Lumagay na sa tahimik? Si Bulag, busy sa mga makamundong bagay? Hehe biro lang tol. Mahirap din ang kalagayan ni Pags, malabu ang mata, SOBRANG labo ng mata. Kaya kadalasan hindi niya alam din a pala babae binubuntutan niya. Kung hindi man, maganda nga talaga, kaso lagi may kasamang syota. Nakaakbay a nga hindi niya siguro nakita. Si Bulok, busy na sa lovelife. Hindi nag ka syota o fling manlang yan nung panahon namin. Kaya siguro nagbabawi. Sikat na sikat dati sa amin yung Group Jacks na biruan namin. Ok ang samahan. Steady lang. Tulungan. Laglagan, walang katapusang asaran. Saya.

College, kung sa one to ten, ten ang highest, siguro nasa three lang ako. Never ko kinareer. Pero kita mo naman. Di ako makapaniwalang nairaos ako nila Papa at Mama. Alam ko mahirap na ang buhay nuon. Kaya nagsikap talaga ako wag na mag iwan ng units. Minsan tumotodo sa chika sa mga prof para wag kang tuluyan. Nakukuha naman sa chika. Siguro nga nuon pa man machika at madiskarte nako. Hindi ko lang alam pa, o sa ibang bagay ko nilalagay.

GMA-7.. ayan na. From Laguna-Alabang boy na malayo na ang Makati at Fairview, bigla bigla naman ang pagbabago ng lifestyle. Opening ng QTV nuon, kasabay ako sa mga naunang tao na nakapasok at bilang fresh grad, at wala pang job experience at all, hirap sa adjustments. Puyatan, badingan, sigawan, ngaragan, init, lamig, studio, location, araw araw, walang pahinga. Duon nako sa cashier’s office natutulog nagdadala na ako ng sleeping bag. Sayang naman at gasolina, sayang naman ang pamasahe pauwi. Ilang oras lang babyahe na uli.

Dumaan ang ilang taon marami na talagang nagbago. Matunong na akong sumabay sa mundo. Aksidente naman at napadaan sa harap ko ang asawa ko. Si Angeli. Taping yun nuon, spiels ni Mel Tiangco. Feeling ko lahat ng bading ay ineechos ako. Gusto palagi ako nakikita, kasabay sa lahat ng bagay. Palibhasa lagi ko lang sila nginingitian. Kaya siguro ganuon. Sa wakas, ay magandang babaeng dumaan sa harap ko. Ang sarap sa paningen. Mejo iba magdamit, pero swap pa rin. Bagay sa kanya, liit ng bewang, laki ng pwet. Maikli ang buhok. Morena. At gaya na kadalasang magagandang babae na nakikita mo, may kasamang bading.

Hindi siya katulad ng mga nakikita mo na babaeng makikinis at mababango na pwde mo ibalandra na syota mo. Iba siya. Maganda, simple lang. May appeal. Sobra sobra sa appeal. Di ko namalayang maghapon ko na pala siyang pinagmamasdan. Sa kada sulok na puntahan niya ay nakabuntot ako. Nag aantay ng timing, pero parang hindi rin. Mahiyain kasi ako talaga. Walang biro. Mahina ako sa mga ganyan. Sanay ako na sila ang lumalapit sa akin. Ayan na siya. Umupo sa tabi ko. Pagkakataon na.

Medyo nakapag research research na din ako gaya ng driver nya na interview ko na kung sino siya at researcher pala siya, may sinundo ata sa Pampanga. Sabi ko pa nga sa driver kung puwede ako makisabay sa kanila. Mejo gets na niya ang idea. Kung kelan naman may chance nako chumika saka naman ako tinawag ng bading na AP namin si kuya Dukesa.

Hayun tingen tingen nalang muna uli, Nagkaruon uli ng chance dahil ang kasama niyang bading naman ang chumika sa akin. Kailangan pala nila kumuha ng refund sa mga nagastos nila. So pagkakataon ko na, makuha ang number niya. Nagkataon naman din panay ang chika ng kasama niya kaya di ko napigilan itanung ang tungkol sa kanya.

Simula nuon ay wala nang humpay ang pagmamahal na naramdaman ko para sa kanya. Tinamaan ika nga. Matindi. Walang panukat ito. To na nga yung panghabang buhay.